We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

Mahirap Maging Mahirap

by Liberal Music Artist

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.
    Purchasable with gift card

      $10 USD  or more

     

about

This track is all about corruption and poverty in our country. How the poor lives everyday to survive and how the politicians waste the money for nonsense projects.

Keep Supporting and Spread the Goodvibes

lyrics

Crazypen :

Naranasan mo na ba ang kumita ng barya,
At ang ulam sa tanghalian ay tag pisong chitchirya,
Naranasan mo na ba ang gumala ng nakayapak,
Dumelihensya dumiskarte ng pang gatas ng anak,
Naransan mo na ba maputulan ng kuryente,
At sa kapitbahay ka makikijumper kung pupuwede,
Naranasan mo na ba ang habulin ng bumbay,
Masisante sa trabaho at sa kanto maging tambay,
Naranasan mo na ba ang maging maralita,
Walang boses sa lipunan at di makapagsalita,
At di ko na mabibilang dinanas namin na pasakit,
Kaya ang karamihan sa patalim ay kumakapit,
Lumaki sa lansangan at walang kinabukasan,
Salamat sa gobyerno kami ay pinabayaan,
Isang kahig isangtuka ganyan ang aking buhay,
Eto ba ang dapat manahin ng aking panganay?


Migsflow :

Tayo'y mga pinoy na linamon ng sistema
Mahirap maging mahirap bakit di nila makita
Mga taong matataas ay walang pakiramdam
Mahirap maging Mahirap bakit di nila alam


Caytriyu :

Sa pagmulat ng mata, ako ay may biglang naisip
Napasulat ng kanta, at ibinatay sa paligid.
Kung saan maski ako'y kabilang sa mga umibig
Sa litanyang may TUKA kaya ngayon ay isang KAHIG.
Teka bakit puro promise, pero pagnanalo na.
Ang Pera kahit dugo't pawis, mula samin, TAGO NA
Nangako ka. Napako na. Nanggago pa, Umacto ka
Na santo ha, eh kaso nga, nang gangtso ka, alam mo ba
Na ang mahirap tulad ko ay kailangang kailangan ka
Lahat ay inatupag ko lahat ay aking sinanla
Yung ibang mga tulad ko piniling mangibambansa
Tapos ang inatupag mo ay ang sarili mong bulsa?!
At grabe na, habang ako ay kumakayod ng husto
Ang simpatya na kailangan ko hindi mo matanto.
Lubayan mo ang bayan ko, ang dapat pangarapin mo
Ay balang araw ang dukha'y mapagbuksan din ng pinto.



Migsflow :

Tayo'y mga pinoy na linamon ng sistema
Mahirap maging mahirap bakit di nila makita
Mga taong matataas ay walang pakiramdam
Mahirap maging Mahirap bakit di nila alam


Vince Anjo :

my bills goes down and my tax goes up, I drink my tea from a broken cup, Lord I can’t save a coin, Can’t borrow one cent, If I pay my tax, I can’t pay my rent.
why dont the government, see the reality in all of the streets of poverty, they just make some tricks to make the people believe, but nothoing is given to the poor kids to recieve
In there home, For their own, to eat or to sleep, on the sides of the streets, they just cuddle and moan, I ask God why, and I looked up to the sky, The evil still livin and the good have to die
But my father say
life is like a birthday cake
each candle shows all of your mistakes
that you make
and no matter where you go, things will be the same
so there no point to try, to get lose in this game


Migsflow :

Tayo'y mga pinoy na linamon ng sistema
Mahirap maging mahirap bakit di nila makita
Mga taong matataas ay walang pakiramdam
Mahirap maging Mahirap bakit di nila alam


Nyel - C

Kaming naghihirap at mga taong nasa paligid
Taong nagpapangap, di alam ang salitang tipid
Kami pa nagipit, nagkukulong nalang sa silid
Tayo pa'y naipit, at puso tila wala ng pintig
Ni wala ng pambayad, pangkain at gastos
Magasawa pa kagad, wala pang pantustos
Buhay ko, di ko hangad. Diko to ginusto
Kaukit sa king palad. Ay yayaman din ako
Kakain ng masarap, bibiling madaming gamit
Mamahaling alak, walang parating pasakit
Mahirap maging mahirap, ito'y aking tatangapin
Pero pag di nakatiis, baka pati mata'y dumilim
Gumawa ng masama dahil wala na talagang pagasa
Magkasamasama ang masasama sa isang kalsada
Ito'y welga na. Tuloy tuloy sa paglalakbay
Di ako uuwi hangat yung nakaupo dipa patay


Migsflow :

Tayo'y mga pinoy na linamon ng sistema
Mahirap maging mahirap bakit di nila makita
Mga taong matataas ay walang pakiramdam
Mahirap maging Mahirap bakit di nila alam

Crazypen - Gusto mo bang maranasan ang mahirap na sitwasyon
Caytriyu - Sana sa muling pagmulat hindi na tulad ngayon
Vince Anjo - Equality, No Poverty, I hope its coming soon
Nyel-C - Pag pinatay kita pati sistema mo ibabaaon

credits

released November 2, 2014
Feedlock One Productions

license

all rights reserved

tags

about

Liberal Music Artist Taguig, Philippines

Liberal Music Artist consist of 6 members

Vince Anjo
Caytriyu
Nyel-C
Crazypen
Migsflow
Shotdead

contact / help

Contact Liberal Music Artist

Streaming and
Download help

Report this track or account

If you like Liberal Music Artist, you may also like: